EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG - AARAL NG MGA ESTUDYANTE NG ESEP NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG STO. DOMINGO
KABANATA I
KABANATA I
ANG
SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NITO
Introduksyon
Tiyakin
ang mga bagay na higit na mahalaga.1
Sa bawat henerasyon ng
makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa ating
pamumuhay sa pang – araw – araw. Hindi maipagkakaila na ang mga Social
Networking Sites ay isa sa maging produkto ng makabagong panahon. Napapabilis
nito ang komunikasyon. Ayon kay Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay
isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilika ang kakayahang
maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang
umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang
lipunan. Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating
bansa at nagsisilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging
bulag tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating pag –
aaral at pati na rin sa pag – uugali.
Dahil na rin sa nagaganap na
modernisasyon sa ating mundo, marami ang nagbabago. Kabilang na dito ang
pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga bagay ng produkto ng makabagong
teknolohiya, mga kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng
kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng
mga estudyante sa ngayon ang pumuntang computer
shop para
buksan ang kanilang account, malaro
ng online games, kaysa sa pagbisita ng silid – aklatan at igugol ang bakanteng
- oras para mabasa ng mga aklat at mag – aral.
Kadalasan naman, nawawala na
nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa oras ng talakayan
ay hawak – hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita ng kanilang account sa iba’t ibang sites. Ang iba
naman, dahil sa mga impormasyong kanilang masasagap mula sa binibisitang sites,
alam na nila ang tinuturo kaya at hindi makuha – kuha ang atensyon ng mga
estudyante.
Ayon sa pag – aaral nina
Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na ginagampanan sa
paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng
social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng
kanilang pag – iisip sa larangan ng
kanilang pag – aaral.2 Nakakalungkot isipin na mas
nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa mga estudyante at
tila baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang asal at disiplina sa
sarili.
Dahil dito, ang mga guro bilang
pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay nararapat na gawing kawili – wili
ang mga gawaing pang – akademiko, magkaroon ng kakaibang istratehiya sa
pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o interes sa
kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig at makilahok sa
talakayan. Kaya’t nararapat ang ibayong patnubay at gabay ng mga guro. Higit
silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang Social Networking Sites dahil sa
walang sapat silang kaalaman hinggil sa tamang paggamit nito.
Kaya bilang paghahanda sa
mga kagamitang pangturo sa hinaharap, layunin ng pag – aaral na itong kumalap
ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng dulot ng Social Media
sa mga estudyante. Ito ay para maging gabay at daan kung paano maiwasan at
masolusyunan ang sobrang pagkahumaling ng mga estudyante dito.
Rasyunal/Layunin
ng Pag – aaral:
Napili ang paksa ng pananaliksik na ito dahil may kaugnay
ito sa larangang kinabibilangan ng mga mananaliksik. Ang social media ay isang
uri ng pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Nagagawa
nitong maiugnay ang mga tao mula sa malalayong lugar. Sa kasalukuyang panahon,
ang paksang tungkol sa social media ay mahalaga sa paghatid ng impormasyon, sa
mga taong nahuhumaling sa pagtangkilik partikular na sa mga estudyante.
Sapagkat, sa pamamagitan ng napakaraming sites na umuusbong, napakarami ring
impormasyon at kaalaman ang kanilang natutuklasan sa simpleng pagbisita nila sa
sites na ito.
Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang
mga estudyante sa ngayon tungkol sa social media na karaniwang popular sa
lipunan. Bukod pa dito, layunin rin nito na ipabatid sa mga estudyante ang mga
epekto ng social media, positibo man o negatibo, lalong-lalo na sa kanilang
pag-aaral. Higit sa lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na mabigyang
solusyon ang mga mambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga estudyante
sa social media.
Kahalagahan
ng Pag – aaral
Malaki ang epekto ng Social
Media sa mga estudyante ngayon. Maaaring mabuti o masama ang dulot nito depende
sa taong gumagamit. Ang pag – aaral na ito ay inaasahang maging kapaki –
pakinabang sa mga sumusunod:
Sa mga
Mag – aaral. Sa pamamagitan ng pag – aaral na ito,
magsisilbing patnubay at makatutulong para makakuha ng paraan kung paano
mababago at mapapaunlad ang kanilang pananaw tungkol sa Social Media.
Makatutulong din ito upang maimulat ang isipan ng mga estudyante sa tamang
paggamit ng social media bilang instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.
Sa
mga Guro. Upang bigyang – ideya ang mga guro tungkol sa Social
Media na kadalasang pinagtutuunang – pansin ng mga estudyante sa ngayon. Sa
pamamagitan ng mga ideyang napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga maging
mungkahing paraan at solusyon para malimitahan ng mga estudyante ang kanilang
lubos na pagkahumaling sa Social Media.
Tagapangasiwa
ng Paaralan. Ang resulta o ang kinalabasan ng pag – aaral
na ito ay makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, mga gawain at
iba pang mga hakbang para makatulong sa mga mag – aaral na mapaunlad ang
kanilang persepsyon o pananaw tungkol sa dito.
Sa
mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang aming pananaliksik ay
magsisilbing gabay upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag –
aaral ay may mapagkukunan sila ng mga kaugnay ng literatura at karagdagang
kaalaman.
Sa mga kasalukuyang kumukuha ng kursong
BEED at BSED. Bilang mga guro sa
hinaharap, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing mapagkukunan ng mga ideya at
mga posibleng sitwasyong kanilang kalalagakan sa hinaharap. Sa ganoong paraan makapaghahanda sila upang
gawin ang kanilang pagtuturo na mas epektibo.
Saklaw
at Limitasyon ng Pag – aaral
Ang
pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at negatibong
epekto ng social media sa mga estudyante ng ESEP sa Mataas na Paaralang
Pambansa ng Sto. Domingo mula ikapitong baitang hanggang sa ikaapat na taon sa
akademikong taon 2014-2015.
Nalimitahan ang pag – aaral na ito
sa mga estudyante ng ESEP ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Sto. Domingo.
Hinahangad din ng pag – aaral na ito na suriin ang mga pananaw at persepsyon ng
mga guro sa epektong dulot ng social media sa mga estudyante. Sa huli, bibigyan
ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang maiwasan ang sobrang
pagkahumaling sa social media ng mga estudyante.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Upang
maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat
naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung
paano ginamit ang bawat isa sa pamahanong – papel na ito:
Ang Social
Media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo
siya nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga
taong nasa malayong lugar.
Ang Social
Networking Sites ay modernong paraan ngayon ng pakikipagkaibigan ng
iba’t ibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tech, mas madali, at higit sa lahat, mas mabilis. Ito ang
tulay sa atin para makamusta ang mga taong malalayo sa atin, magkaroon ng mga
bagong kakilala at kaibigan.
Ang Facebook
isang makabagong ideyang na nag – aalok sa ating pagkakataong makipag –
ugnayan sa isang malawak na sansinukob na tao, mga taong marahil ay bago para
sa atin.
Ang Instagram
Isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw – araw ay parami ng
parami ang mg active users. Isa rin itong tulay sa modernong pakikipagkaibigan.
Dito, makikita ang kinahiligan o interes sa mga larawang pinopost.
Ang Wattpad
ay tinaguriang “the best place to
discover and share stories”. Mahalaga sa larangan ng panitikan sapagkat ito
ay isa sa mga aktibong paraan ng pagpapalaganap ng mga kwentong maaaring
magasaya, magbigay ng lakas, magsilbing inspirasyon, magpalungkot at syempre
magpakilig lalong – lalo na sa mga kabataan. Isa rin itong malaking komunidad
kung saan maraming pwedeng malaman o madiskubre.
TALA
1 Filipos
1:10
2Basilio,
M. & Bernacer, M. 2007. Epekto ng makabagong teknolohiya sa mga mag – aaral
ng ikaanim na baitang ng Paaralang Central ng Ibalon