Thursday, March 19, 2015

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG - AARAL NG MGA ESTUDYANTE NG ESEP NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG STO. DOMINGO Kabanata I ( Introduksyon )

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG - AARAL NG MGA ESTUDYANTE NG ESEP NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG STO. DOMINGO



KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NITO

Introduksyon

            Tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga.1

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang – araw – araw. Hindi maipagkakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa sa maging produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang komunikasyon. Ayon kay Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilika ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at nagsisilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating pag – aaral at pati na rin sa pag – uugali.

Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo, marami ang nagbabago. Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga bagay ng produkto ng makabagong teknolohiya, mga kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga estudyante sa ngayon ang pumuntang computer shop para buksan ang kanilang account, malaro ng online games, kaysa sa pagbisita ng silid – aklatan at igugol ang bakanteng - oras para mabasa ng mga aklat at mag – aral.

Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa oras ng talakayan ay hawak – hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita ng kanilang account sa iba’t ibang sites. Ang iba naman, dahil sa mga impormasyong kanilang masasagap mula sa binibisitang sites, alam na nila ang tinuturo kaya at hindi makuha – kuha ang atensyon ng mga estudyante.

Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng kanilang pag – iisip sa larangan ng  kanilang pag – aaral.2 Nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa mga estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang asal at disiplina sa sarili.

Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay nararapat na gawing kawili – wili ang mga gawaing pang – akademiko, magkaroon ng kakaibang istratehiya sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o interes sa kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig at makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang ibayong patnubay at gabay ng mga guro. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang Social Networking Sites dahil sa walang sapat silang kaalaman hinggil sa tamang paggamit nito.

Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang pangturo sa hinaharap, layunin ng pag – aaral na itong kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng dulot ng Social Media sa mga estudyante. Ito ay para maging gabay at daan kung paano maiwasan at masolusyunan ang sobrang pagkahumaling ng mga estudyante dito.


Rasyunal/Layunin ng Pag – aaral:

Napili ang paksa ng pananaliksik na ito dahil may kaugnay ito sa larangang kinabibilangan ng mga mananaliksik. Ang social media ay isang uri ng pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Nagagawa nitong maiugnay ang mga tao mula sa malalayong lugar. Sa kasalukuyang panahon, ang paksang tungkol sa social media ay mahalaga sa paghatid ng impormasyon, sa mga taong nahuhumaling sa pagtangkilik partikular na sa mga estudyante. Sapagkat, sa pamamagitan ng napakaraming sites na umuusbong, napakarami ring impormasyon at kaalaman ang kanilang natutuklasan sa simpleng pagbisita nila sa sites na ito.
Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga estudyante sa ngayon tungkol sa social media na karaniwang popular sa lipunan. Bukod pa dito, layunin rin nito na ipabatid sa mga estudyante ang mga epekto ng social media, positibo man o negatibo, lalong-lalo na sa kanilang pag-aaral. Higit sa lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na mabigyang solusyon ang mga mambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga estudyante sa social media.


Kahalagahan ng Pag – aaral

Malaki ang epekto ng Social Media sa mga estudyante ngayon. Maaaring mabuti o masama ang dulot nito depende sa taong gumagamit. Ang pag – aaral na ito ay inaasahang maging kapaki – pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag – aaral. Sa pamamagitan ng pag – aaral na ito, magsisilbing patnubay at makatutulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang kanilang pananaw tungkol sa Social Media. Makatutulong din ito upang maimulat ang isipan ng mga estudyante sa tamang paggamit ng social media bilang instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.

Sa mga Guro. Upang bigyang – ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na kadalasang pinagtutuunang – pansin ng mga estudyante sa ngayon. Sa pamamagitan ng mga ideyang napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga maging mungkahing paraan at solusyon para malimitahan ng mga estudyante ang kanilang lubos na pagkahumaling sa Social Media.

Tagapangasiwa ng Paaralan. Ang resulta o ang kinalabasan ng pag – aaral na ito ay makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, mga gawain at iba pang mga hakbang para makatulong sa mga mag – aaral na mapaunlad ang kanilang persepsyon o pananaw tungkol sa dito.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang aming pananaliksik ay magsisilbing gabay upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag – aaral ay may mapagkukunan sila ng mga kaugnay ng literatura at karagdagang kaalaman.

Sa mga kasalukuyang kumukuha ng kursong BEED at BSED.  Bilang mga guro sa hinaharap, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing mapagkukunan ng mga ideya at mga posibleng sitwasyong kanilang kalalagakan sa hinaharap.  Sa ganoong paraan makapaghahanda sila upang gawin ang kanilang pagtuturo na mas epektibo.


Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at negatibong epekto ng social media sa mga estudyante ng ESEP sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Sto. Domingo mula ikapitong baitang hanggang sa ikaapat na taon sa akademikong taon 2014-2015.
            Nalimitahan ang pag – aaral na ito sa mga estudyante ng ESEP ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Sto. Domingo. Hinahangad din ng pag – aaral na ito na suriin ang mga pananaw at persepsyon ng mga guro sa epektong dulot ng social media sa mga estudyante. Sa huli, bibigyan ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang maiwasan ang sobrang pagkahumaling sa social media ng mga estudyante.


Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamahanong – papel na ito:
Ang Social Media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo siya nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga taong nasa malayong lugar.
Ang Social Networking Sites ay modernong paraan ngayon ng pakikipagkaibigan ng iba’t ibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tech, mas madali, at higit sa lahat, mas mabilis. Ito ang tulay sa atin para makamusta ang mga taong malalayo sa atin, magkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan.
Ang Facebook isang makabagong ideyang na nag – aalok sa ating pagkakataong makipag – ugnayan sa isang malawak na sansinukob na tao, mga taong marahil ay bago para sa atin.
Ang Instagram Isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw – araw ay parami ng parami ang mg active users. Isa rin itong tulay sa modernong pakikipagkaibigan. Dito, makikita ang kinahiligan o interes sa mga larawang pinopost.
Ang Wattpad ay tinaguriang “the best place to discover and share stories”. Mahalaga sa larangan ng panitikan sapagkat ito ay isa sa mga aktibong paraan ng pagpapalaganap ng mga kwentong maaaring magasaya, magbigay ng lakas, magsilbing inspirasyon, magpalungkot at syempre magpakilig lalong – lalo na sa mga kabataan. Isa rin itong malaking komunidad kung saan maraming pwedeng malaman o madiskubre.














TALA
1 Filipos 1:10
2Basilio, M. & Bernacer, M. 2007. Epekto ng makabagong teknolohiya sa mga mag – aaral ng ikaanim na baitang ng Paaralang Central ng Ibalon





59 comments:

  1. magandang hapon! maaari ba akong kumuha ng kaunting impormasyon rito? maraming salamat. :)

    ReplyDelete
  2. gusto ko pong makita yung kabanata 2

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  3. pwede bo bang magamit to bilang gabay namin sa gagawing tesis

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  4. ^ .. maaari po bang makakuha ng datos mula sa mga mananaliksik...

    ReplyDelete
  5. May rekomendasyon kaba about sa topic?

    ReplyDelete
  6. puwedeng makita yung kabanta II at III kung meron?

    ReplyDelete
  7. good Eve po paggamit po ako ng ilang detalye sa ginawa ninyo.... maraming salamat :)

    ReplyDelete
  8. may kabanata 2 po ba?? gawin ko lang pong guide. salamat:)

    ReplyDelete
  9. Ako po ay nag aaral sa Arellano maari po bang kunin at ibahin ang ideya sa kahalagahan ng pag aaral para lamang sa aming ginagawang pag aaral na mahahahlintulad sa inyung titulo

    ReplyDelete
  10. maari po ba akong makakuha ng konting impormasyon? Kase po para sa project po namin




    ReplyDelete
  11. pwede po bang makakuha ng kaunting impormasyon ganyan din kasi yung topic ko,syaka saan po jan ung kaligiran? ty in advance.

    ReplyDelete
  12. Maaari po bang makuha ang pangalan niyo para ma-acknowledge ang iyong study sa aming pananaliksik?

    ReplyDelete
  13. pwedeng maglagay ng mga sanggunian

    ReplyDelete
  14. pwede po ba makita ang kabanata 2?

    ReplyDelete
  15. Hi po pwede po bang magamit ang thesis bilang gabay ko sa aking paggawa ng thesis???

    ReplyDelete
  16. pwede pobang makikuha ng mga inpormasyon sa iyong pananliksik .?? gabay sa paggawa ko nang pananaliksik sana xd .:)

    ReplyDelete
  17. pwede paba makita ang chapter 2

    ReplyDelete
  18. pwd po ba makakuha ng impormasyun dito para sa aming thesis?/

    ReplyDelete
  19. pwede po mkahingi ng link sa susunod na chapter? gagamitin lng po sa research paper. thank you

    ReplyDelete
  20. Pwedi po bang makikuha ako ng impormasyon dito...para lang po sa rebyu ng kaugnay na literatura ng aming pananaliksik, salamat po.

    ReplyDelete
  21. magandang gabi po, maaari po ba akong kukuha ng kaunting impormayson sa iyong pananaliksik? salamat po

    ReplyDelete
  22. pwede ko po bang tanungin kung sino ang awtor ng pananaliksik na ito? maraming salamat po

    ReplyDelete
  23. Maaari po bang kumuha ako ng konting ideya mula sa iyong gawa??

    ReplyDelete
  24. Pwede po bang pagamit ng konting impormasyon sa datos na iyong ibinahagi sa amin? Salamat.

    ReplyDelete
  25. Pagamit po Ng info mo...ty po
    😊😊😊

    ReplyDelete
  26. pwede po ba namin magamit ito para sa pananaliksik namin?

    ReplyDelete
  27. Goodmorning po maaaring po ba kami makuha ng konte deltaye dito po s gnawa nio po salamat po

    ReplyDelete
  28. Goodmorning po maaaring po ba kami makuha ng konte deltaye dito po s gnawa nio po salamat po

    ReplyDelete
  29. Good evening po...may kabanata 4&5 kayo..pwede kukuha ako ng kahit kunting idea lng

    ReplyDelete
  30. Good evening po...may kabanata 4&5 kayo..pwede kukuha ako ng kahit kunting idea lng

    ReplyDelete
  31. pwde po ba naming magamit ito sa pananaliksik namin

    ReplyDelete
  32. helo po... hhngi po ako ng permiso.. kukuha po ako ng iilang impormasyon mula sa pag aral nyo pra sa po pananaliksik namin. salamat

    ReplyDelete
  33. pwede po bang magamit ang ibang detalye.
    iri-rephrase nalang po😁

    ReplyDelete
  34. Mari po bang gamitin ito bilang kaugnay na pag-aaral ng aming thesis.... Irerephrase na lang po

    ReplyDelete
  35. Pwede po ba akong gumamit Ng obang detalye sa kabanatangg ito?

    ReplyDelete
  36. Pwede po ba akong gumamit Ng obang detalye sa kabanatangg ito?

    ReplyDelete
  37. Magandang araw po! pwede po bang gawin basehan ang inyong pananaliksik at kumuha ng mga datos kung maaari po



    ReplyDelete
  38. pwede po bang kumuha ng mga inpormasyon dito para sa pananaliksik na aking ginagawa?

    ReplyDelete
  39. pwede po bang kumuha ng mga inpormasyon dito para sa pananaliksik na aking ginagawa?

    ReplyDelete
  40. Pwedi po ba mkita ang kaligirang pangkasaysayan gwng halmbawa lng po. At kumha po ako ng ibng detalyi po dto salmat po.

    ReplyDelete
  41. Kung maaari po. Pwede po ba makakuha ng kaunting impormasyon tungkol dito?

    ReplyDelete
  42. Pwede po ba akong makakuha dito Ng inpormasyon para sa thesis?? Salamat

    ReplyDelete
  43. your blog is very interesting.thanks!Sakit.info

    ReplyDelete
  44. PWEDE PO BA MAKAKUHA NG IMPORMASON SA THESIS NA TO LALAGAY KO NAMAN PO KUNG KANINO GALING TO HEHEHE

    ReplyDelete
  45. If you're looking to lose weight then you absolutely need to try this brand new custom keto meal plan.

    To design this service, licenced nutritionists, fitness trainers, and chefs joined together to provide keto meal plans that are useful, painless, money-efficient, and delicious.

    Since their launch in January 2019, thousands of individuals have already transformed their body and well-being with the benefits a certified keto meal plan can offer.

    Speaking of benefits; in this link, you'll discover 8 scientifically-proven ones offered by the keto meal plan.

    ReplyDelete
  46. pwede po bang kumuha nga imprmasyon dito para sa aking thesis?

    ReplyDelete
  47. pwede po bang kumuha nga imprmasyon dito para sa aking thesis?

    ReplyDelete
  48. Maaari po bang kumuha ng impormasyon dito para sa aking pananaliksik

    ReplyDelete